Wednesday, November 02, 2005

MASARAP PAGKATAPOS........

hayyy hirap... me saket ako ngyon e. apat na araw na bakasyon nasa bahay lang ako... di yata maganda yun a. tinamaan ako ng hayup na trangkaso at strepthroat (hirap pa lumulon) so ang ibig sabihin... walang basketball, walang sine, walang gala.. haay talaga! PERO NAPAKASARAP kapag:

>biglang bumaba ang lagnat mo from 40 C ... tapos makakapag OL ka n!

>yung ang saket-saket ng lalamunan mo... tapos nakapagmumog ka ng mainit na tubig na me asin (yung talagang nakatingala ka, para abot ang RIGHT BRONCHUS MO!)

> napaso ka ng mainet n sabaw tapos bigla kang iinom ng malamig na sprite!

>ebak na ebak ka tapos malpit ka na sa banyo.. he he (bastos nu!)

> ang lalake ng kalaban mo sa basketbol tapos maiishut mo yung bola ng nakabantay sila!

> nakita mo sa friendster yung dati mong kaklasmeyt at mga successful na rin (kahit housewyf lng basta magaganda yung mga anak)

>ang inet-inet tapos bigla kang lulubog s pool no?

> yung pagod ka s duty tapos itataas mo yung paa mo habang nakasandal ka sa malambot na sofa!

PERO SA TOTOO LANG ANG PUNO'T DULO NITONG KWENTO AY NAPKASARAP KUNG KAYO AY NAGKAROON NG HINDE PAGKAKSUNDUAN TAPOS NAAYOS NYO NO?.... PARANG LAHAT NG NASA PALIGID NAGTSI-CHEER!

OPO, TAO LANG DIN PO KAMING MAG-ASAWA AT MAYROON DING HINDI PAGKAKAINTINDIHAN, ANG MAGANDA AYUSIN NYO NG KAYO LANG, WAG NG MANDAMAY NG IBANG TAO. AY PAG NAAYOS NYO NAPAKASARAP NG LAHAT.... PATI LUTO NYA.... NAGKAKALASA!

LUV U MEN!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home