Thursday, October 20, 2005

PAANO KUNG.....................?

haaay ang hirap!!!, unang-una di ko alam kung pano to simulan. ewan ko ba kung bakit ko naisipan to, minsan kase pag wala kang magawa kung anu-ano na lang ang naiisip mo."idle mind ika nga"

pero pano nga kung:

> ang prinsipyo mo e hindi tanggap ng iba. katulad ng pagiging masaya, at sa tingin ng iba ay selfish ka? mahirap rin pala. tama bang ikonsidera ang lahat ng nararamdamn ng nakapaligid sa yo. ( pano yung kasabihang " the start of failure is trying to please everybody")... so lumalabas na me kontradiksyon ang bawat pananaw?

> sa pagtulong mo ay lumabas na ikaw pa ang masama, okay lang ba?
> sa paliwanag mo at walang naniniwala.... kahit lumuha ka pa ng dugo!! at kapalit nito ay kawalan ng tiwala... ano ang gagawin mo?

> ang nakaraan mo ang mismong nagiging kasiraan mo.. na kahit anung pagbabago e eto pa rin ang nagsisilbing lubid na bumibigti sa yo.

> ang tinitingnan ng iba ay ang mga pagkakamali mo... at hinihintay na magkamali ka pa? (sabi nga... mas natatandaan pa raw yung mga mali kesa sa mga magagandang bagay na ginawa mo di ba?)

>sa lahat ng ginagawa mo ay balewala sa iba?
> iniisip ng makakabasa nito na nagpapatawa lng ako at walang maniwala?

> isipin ng iba na ngdadrama lang ako?!

HAAAY, ang daming pano... ang daming hang-ups. simple lang naman ang buhay di ba? kumain, matulog, tumae, umihe.... tanggalin ang isa jan siguradong may pupuntahan ka.
sana sa lahat ng makakabasa nito.. gawing simple lang ang buhay.

at sa iba naman pasensya na kung hinde tayo parepareho ng prinsipyo. ganun pa man, nandun ang ganda ng buhay... me CONTRAST ika nga.. nasa sa aten na lang kung pano natin ito sasakyan.

BASTA SI AYIE lang ako, simple pero tunay na tao!

GOD BLESS!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home