Wednesday, September 14, 2005

Si KARMAN at ang BORACAY!

(ang pangalan ng pangunahing tauhan ay pinalitan upang pangalagaan ang kanyang privadong buhay.... he. he. )

dami pasyente nung gabi nato, e nasa CHEST
PAIN area pa ko na-assigned...ng toxic dito a.
pero okay lng nameet ko naman si KARMAN!

28 y/o, amerikana... green eyes, long hair...
mapapaWOW ka! (at siguradong may magko-
comment na "si ayie talaga o, babaero"). Pero sa
totoo lang nainspayr ako sa kanya. alam nyo kung
baket?

mayroon siyang karaming saket... MULTIPLE
SCLEROSIS, HIRSCHSPRUNG (ewan ko kung
tama yung spelling ha, absent ako nung itinuro ito
e) at may ileostomy sya dahil dito, depression
dahil n rin sa kalagayan nya. tapos mukang
minamaltrato pa sa NURSING HOME!

eto na, she was so dehydrated kaya i nid to start
an IV, ayaw nya... at talagang nahirapan kame
dahil ang liliit ng ugat nya... pro i got her TRUST,
dahil ang LOLO nyong palaka ang nkashut ng IV
(bida na naman) kaya lang di ako nakawithdraw ng
dugo, so we nid to do a FEM-STICK (tutusukin sa
femoral artery, o sa singit na lag para maintindihan
nung mga engineers). sabi nya sa ken... hawakan
ko daw ang kamay nya at ayaw nya na raw ng
saket..... e anu pa nga ba ang gagawen ko e di
hinawakan ko! e ang masama! humiling ng
magandang kwento.. la naman akong maisip...
ayun BORACAY!.... white sand, blue sky,
kayaking.. pucha! naubos ang itinatago kung
ingles! STORY-TELLING E, TSE on the spot!

pero eto ang mabigat.. tinanong nya ko ng ganito"
DO U BELIEVE IN GOD?" IF YOU WERE ON MY
SHOES, WHAT WOULD YOu DO?"

hirap sagutin, pero kung anuman ang isinagot ko
hindi n importante, ang mahalaga nun nagising ako
n MABAIT pa rin ang DIYOS sa ken! dahil ako ang
nagbibigay ng suporta at tulong. na kung anuman
ang meron tayo, dapat maging masaya! MAIGSI
lng ang buhay.. ke anuman ang kapansanan mo,
me silbi ka parin.... bigat no(pede na bng maging
pastor)...ENJOY LIFE mga kapatid!

nga pala... nabalitaan ko na, pumayag syang
magpa-confine at ituloy ang anumang gamutan
para sa kanya. TENKS KARMAN!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home