Thursday, October 20, 2005

PAANO KUNG.....................?

haaay ang hirap!!!, unang-una di ko alam kung pano to simulan. ewan ko ba kung bakit ko naisipan to, minsan kase pag wala kang magawa kung anu-ano na lang ang naiisip mo."idle mind ika nga"

pero pano nga kung:

> ang prinsipyo mo e hindi tanggap ng iba. katulad ng pagiging masaya, at sa tingin ng iba ay selfish ka? mahirap rin pala. tama bang ikonsidera ang lahat ng nararamdamn ng nakapaligid sa yo. ( pano yung kasabihang " the start of failure is trying to please everybody")... so lumalabas na me kontradiksyon ang bawat pananaw?

> sa pagtulong mo ay lumabas na ikaw pa ang masama, okay lang ba?
> sa paliwanag mo at walang naniniwala.... kahit lumuha ka pa ng dugo!! at kapalit nito ay kawalan ng tiwala... ano ang gagawin mo?

> ang nakaraan mo ang mismong nagiging kasiraan mo.. na kahit anung pagbabago e eto pa rin ang nagsisilbing lubid na bumibigti sa yo.

> ang tinitingnan ng iba ay ang mga pagkakamali mo... at hinihintay na magkamali ka pa? (sabi nga... mas natatandaan pa raw yung mga mali kesa sa mga magagandang bagay na ginawa mo di ba?)

>sa lahat ng ginagawa mo ay balewala sa iba?
> iniisip ng makakabasa nito na nagpapatawa lng ako at walang maniwala?

> isipin ng iba na ngdadrama lang ako?!

HAAAY, ang daming pano... ang daming hang-ups. simple lang naman ang buhay di ba? kumain, matulog, tumae, umihe.... tanggalin ang isa jan siguradong may pupuntahan ka.
sana sa lahat ng makakabasa nito.. gawing simple lang ang buhay.

at sa iba naman pasensya na kung hinde tayo parepareho ng prinsipyo. ganun pa man, nandun ang ganda ng buhay... me CONTRAST ika nga.. nasa sa aten na lang kung pano natin ito sasakyan.

BASTA SI AYIE lang ako, simple pero tunay na tao!

GOD BLESS!

Sunday, October 02, 2005

lab story namin!

aymen

ewan ko ba kung ano naramdaman ko kanina nung nag-mass kaming mag-anak. niyakap ko kasi yung wife ko nung ritual bago mg-communion. parang bang naramdaman kong mahal na mahal nya ko.. ANG KORNI NO! di bale, lab naman to.. yung hindi matouch--- tatandang DALAGA o BINATA he. he!

6 na taon na kami nito, pero yung sinabing kong suerte sya sa ken, sa totoo lang, ako talaga ANG PINAGPALA (blessed)!

ganito kase yun, barkada lang kami non.. 1998 yata yun. e me GF ako nun, yunf TWIN nya (as in IDENTICAL) GF ng best friend ko, so pag lumalakad sila sinasama nila si MENNIE (wife) ko. By chance, nakaksama ako pag swimming, kain sa OL(overlooking) sa antipolo. padis, nipa hut, cloud nine,....name it. tinambayan namin lahat yun. dumating yung time na pumasok sya sa clinic namin sa SOLID CEMENT (occupational health nurse ako nuna, pati yung bestfriend ko)... e glass door.. PUCHA... parang nmaligno ko, biglang ang tingin ko sa kanya DYOSA! parang naramdaman ko na ITO NA YUNG BABAING PAKAKASALAN KO! e ang mabigat.... BARKADA KAMI!

Kahiya di ba? e one time nasa red cross kami sa pasig. ayun nagkayayaan manood ng sine sa megamol,, tandang -tanda ko pa yung movie. ONE FINE DAY (george clooney & michelle pfiefer) diko malilimutan yung song, FOR THE FIRSt TIME... ganda ng lyrics.. are those your eyes, is that your smile, i've been lookin at u forever but i've never saw you before nakupo lalo na KUMORNI!

ayun na... pero gusto ko ng magtapat nun, kaya lang nahiya ako, TORPE nga ako e. so after a month isang sine pa... THE PREACHER'S wife.. PUCHA bumili ako ng tape, REO speedwagon naman. at ang title....TUMAWA NA KAYO sa KAKORNIHAN.. (tamaan sana kayo ng kidlat!) CAN'T FIGHT THIS FEELING. eto ulet yung lyrics:
I cant fight this feelin any longer
and yet im still afraid to let it flow.
what started out as a friendship has grown stronger.
i only wish i had the strength to let it show.


Ayun, binigay ko, pagkatapos ng palabas...... ang galeng ng ending e naging kami na po. at tama po kayo.. anim na taon na kaming MAGKABARKADA, MAGKAIBIGAN, MAG-ASAWA, PARTNERS IN CRIME, BATMAN & cATWOMAN,, ETC. AT S HABA NG PANAHON na yun, patuloy pa rin syang nagtyayga sa amen (eiya).

LAB YU ACHIM!