Thursday, February 24, 2005

lab yu nay!

Grabe talaga, pag naiisip ko ang pilipinas, napakarami kong gustong balikan. MAHIRAP pala malayo sa pamilya na nagpalaki sa'yo. LALO NA KO,INIWAN DAW AKO NG NANAY ko ng isang taon palang ako.....BUTI NA LANG MABAIT ANG LOLO AT LOLA KO. syempre pati narin ang mga tiya at tiyo ko (Grabe tagalog na tagalog).

Ang kwento na to ay tungkol sa mahal kong lola (NANAY), siya po ang naghatid s ken nung grade one hanggang grade 5, ganun po ako ka spoiled sa kanya. naghahanda ng uniform ko nung highskul, naglaba ng puti kong uniform nung nagnaNARSING pa lang po ako. PATI paghuhugas ng PWET sya rin ang gumagawa nung BATA pa ko. MARAMI PO syang kuwento nung mahirap pa lang sya. (kala mo naman yumaman na kame) INAPI DAW siya, at kung anu-ano pa, lagi nagyayari yun pag sabay-sabay kaming kumakaen. Nung highskul po ako sa MIST (marikina institute of science and technology)lagi may PTA miting, e wala nga akong magulang, tatay ko (KUYA ang tawag ko) nasa saudi, LOLO ko nun busy sa JEEP, So an MAHAL KONG LOLA ang kasama ko, E di namn sya nakapg-aral kahit grade one, PERO CARRY NYA HA!

MARAMI KAMING pinagsamahan nitong lola ko nato, yun nga lang ang nakakalungkot, MATANDA na siya, makakalimutin na nga e. MINSAN NAGSAING N para sa tanghalian, after 2 min, nagsaing ulet... di nya na rin alam kung UMAGA o GABI NA, PATI ANG ARAW di na rin nya alam.... nakakaines! Bakit kung kailan okay na BUHAY ko, kaya ko na sya tulungan, ngayon pa siya nagkaganon. NAMIMIS ko na yung panonood natin ng sine, SI FERNANDO POE yung pinanood natin nun, (di na nga rin nya alam na namatay na yung IDOL nya e)....... pati yung kwentuhan natin, wala na rin...

PERO KAHIT ANO MANGYARI NAY, IKAW PARIN ANG NANAY KO.... KAHIT HINDI AKO LITERAL NA LUMABAS SAYO....KAHIT WALA KANG PINAG-ARALAN, DI NAMAN IKAW NAGKULANG NAG PAG-AALAGA AT PAGMAMAHAL.....

HINTAYIN NYO PO YUNG PAG-UWI KO... LABYU PO!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home