pare
GALING ITO SA ISA S MGA MATALIK KONG KAIBIGAN. Dahil siguro naiintidihan namin ang bawat isa, ngkapalgayan loob kami kaagad..SYNERGISTIC ang effect. Medyo maigsing panahon nga lang, pero SULIT pare! SLAMAT sa panahon ng pakikinig Pareng SIG, HANGGANG sa MULI!!!MAGITING NA KAIBIGAN!
isang na namang bagong taon, mga bagong
pagsubok, mga bagong panimula at bagong
pagasa.
may mga umaalis na kaibigan at may mga
bagong kaibigan. ngunit hindi maiwasang
malungkot sa paglisan ng isang kaibigan.
sya ang tinuturing na kilabot ng kolehiyala,
kaya nga gusto kong kasama ito para maambunan
ng konting kakisigan at mapansin man lang ng
mga estudyanteng pumapansin sa kanya.
kasama sa pagkain sa Ola's kung kami ay
walang pera, at kung may pera naman sa Burger
King kami madalas (wag lang matyempuhan ng
mga mga estudyanteng tulad naming hampaslupa
hehe.)
kasama sa paglalasing ( paglalasing nga ba
ang uminom ng 2 beer hehe) at namumulutan ng
tuna sisig sa 77 kung saan napapagusapan ang
mga hindi napapagusapan sa loob ng faculty.
kasama rin sa pagsesenti sa faculty at
pakikinig sa acoustic sound, kung saan
nagmumunimuni ng mga pangyayari sa aming
buhay at sa pagtuturo.
hindi lang sa masayang pagkakataon kasama
ito, pati sa mga pagkakataong masigawan kami ng
mga nakakatandang propesor hanggang sa
magiwanan sa ere ng ako ay magkamali sa
pagencode ng grades (tagadikta lang sya ng
grades ano) at sya ay magkamali ng advise sa
enrolment (tagaabot lang ako ng form ano), mga
pangyayaring nakakatawa mga pagsasamang
hindi makakalimutan.
isang taong magaling sa pakikisama at
pakikinig sa mga kwentong walang kupas, isang
tunay na kaibigan, isang kaibigang hindi
makakalimutan.
sa muling pagkikita pareng ayie
0 Comments:
Post a Comment
<< Home