Thursday, February 24, 2005

lab yu nay!

Grabe talaga, pag naiisip ko ang pilipinas, napakarami kong gustong balikan. MAHIRAP pala malayo sa pamilya na nagpalaki sa'yo. LALO NA KO,INIWAN DAW AKO NG NANAY ko ng isang taon palang ako.....BUTI NA LANG MABAIT ANG LOLO AT LOLA KO. syempre pati narin ang mga tiya at tiyo ko (Grabe tagalog na tagalog).

Ang kwento na to ay tungkol sa mahal kong lola (NANAY), siya po ang naghatid s ken nung grade one hanggang grade 5, ganun po ako ka spoiled sa kanya. naghahanda ng uniform ko nung highskul, naglaba ng puti kong uniform nung nagnaNARSING pa lang po ako. PATI paghuhugas ng PWET sya rin ang gumagawa nung BATA pa ko. MARAMI PO syang kuwento nung mahirap pa lang sya. (kala mo naman yumaman na kame) INAPI DAW siya, at kung anu-ano pa, lagi nagyayari yun pag sabay-sabay kaming kumakaen. Nung highskul po ako sa MIST (marikina institute of science and technology)lagi may PTA miting, e wala nga akong magulang, tatay ko (KUYA ang tawag ko) nasa saudi, LOLO ko nun busy sa JEEP, So an MAHAL KONG LOLA ang kasama ko, E di namn sya nakapg-aral kahit grade one, PERO CARRY NYA HA!

MARAMI KAMING pinagsamahan nitong lola ko nato, yun nga lang ang nakakalungkot, MATANDA na siya, makakalimutin na nga e. MINSAN NAGSAING N para sa tanghalian, after 2 min, nagsaing ulet... di nya na rin alam kung UMAGA o GABI NA, PATI ANG ARAW di na rin nya alam.... nakakaines! Bakit kung kailan okay na BUHAY ko, kaya ko na sya tulungan, ngayon pa siya nagkaganon. NAMIMIS ko na yung panonood natin ng sine, SI FERNANDO POE yung pinanood natin nun, (di na nga rin nya alam na namatay na yung IDOL nya e)....... pati yung kwentuhan natin, wala na rin...

PERO KAHIT ANO MANGYARI NAY, IKAW PARIN ANG NANAY KO.... KAHIT HINDI AKO LITERAL NA LUMABAS SAYO....KAHIT WALA KANG PINAG-ARALAN, DI NAMAN IKAW NAGKULANG NAG PAG-AALAGA AT PAGMAMAHAL.....

HINTAYIN NYO PO YUNG PAG-UWI KO... LABYU PO!

Tuesday, February 01, 2005

Miami Valley Hospital (a cool place)

the bat on work!

Wow! i've never imagined in my entire life that m gonna be working in the U. S. (simpleng tao lang po ako).Now, i am here, in a big hospital, with a lots of blonde and beautiful thinking people.....not to mention that i am now living in a fabulous apartment, with my wife and kid, earning 24 dollars per hour...meeen, i love this life!

Sometimes, u dont need to be intelligent.. just be the right person in the right place and time... and stay blessed all the time....(at wag lang makakalimot sa pinanggalingan) and u will get what u want or more than what you have wanted. it's kinda tough, though, coz i need to speak english all the time.... taht's why i am now workin with my twang and slang!

I was really in a bad shape the first time i set foot in OHIO, but a little help from my friends' txt messages and emails made me overcome the difficulties.(hinde madali ang umales no). Aay naku! ALANG Night life dito! kaen lang ako ng kaen! ang hirap namang mag-gym... di ako pinapawisan! Ang hileg naman nung iba inuman kase malamig! E hinde nman ako mahilig s alcohol....so pulutan lang ulet ang nilalantakan ko! ayun... lumolobo na ko dito!Pero napakabilis ng oras at araw, nakakaadjust n ko mga kapatid.

Bottom line, this is an amazin place, but i really miss my friends back in the philippines, bro.... hope to jam with u soon! MISS N MISS KO NA KAYO! LALO NA ANG TATAY AT NANAY!!! HINTAYIN NYO KO>>>WAG MUNA KAYONG MAMAMATAY!!